Linggo, Setyembre 11, 2011

Magpatuloy ka

Hayaan mo na lang iyong mga taong nagbibigay pasakit sa kalooban mo.
Huwag mo na lamang silang pansinin, lalo na't hindi rin naman nakabubuti.
Kasama ang mga pambatang aksyon ng karamihan ay baliwalain kung wala ka naman ng magagawa.
Maghanap nalang ng mas magagandang bagay na pwede mong pagtuunan ng pansin.
manatili kang malakas at nakangiti sa kabila ng di matapos-tapos na problema ng buhay.
Tanggapin mo ang katotohanang wala naman talagang maayos na mundo,
ngunit maaari itong maging maganda sa tulong mo.
Igalang mo at pahalagahan ang lahat ng bagay na para bang ito'y sa iyo.
At pagkataposm mabuhay ka ng walang takot at masaya na walang inaapakang tao,
malinis ang konensya at may pagmamahal sa Panginoon, sa bayan at sa mundo.

Patuloy kang mangarap at magsikap. Ikaw yan. May magagawa ka.

.AkoIto.
AyaPeredas.